Feeds:
Posts
Comments

Archive for the ‘compositions’ Category

Yesterday, May asked me to read her recent blog entry. And it was about her experiences at school as kinder.

I was inspired by that piece and had this story in my head. It keeps on bugging me to let it out hahaha!
Sorry, this is in Filipino.

~~~~~~

Umaga na naman.

Kailangang bumangon at maghanda sa pagpasok sa school.

Sa private school na puno ng mapanghusgang mga mata. Bawat araw pagsubok sa kin. Hindi ko lubos maisip kung paano ko naitatawid ang bawat oras ng hindi nasasaktan o iniinda ang sakit ng kanilang mga tingin at pasaring.

Nakakapagod ang ganito. Minsan gusto ko ng sumuko at tumigil sa pag aaral. Pero laging ipinaaalala ng aking ina na malaki ang kanyang inutang upang makapag aral ako sa paaralan na ito. Kung ako lang ang masusunod ayoko dito. Mas gugustuhin ko pa sa isang pam-publikong paaralan kung saan totoo ang mga tao. At katulad ko sila…mahirap. At siguro hindi nila papansinin ang kapinsanan ako.

Sa private school na ito, natuto akong maging manhid sa lahat. Para lang hindi ako umiyak at lalong pulaan. Naging manhid narin ako sa nararamdaman ng ibang tao.
Tinanim ko sa isipan ko na halos lahat ng nakaririwasa sa buhay ay pare-pareho.

Mapamintas at mapagmataas.

Sa araw araw na pinagdadaanan ko sa paaralang ito ay may mga nakaramay ako. Mga kaibigang kahit alam kong nakikita nila ang kapintasan ko ay patuloy parin sa pakikipagkaibigan. Hindi ko malilimutan ang mga pagtatanggol nila sakin kahit na ngayon ay alam kong karamihan sa kanila ay limot na ako.

Hindi pala lahat ng mayayaman ay ganon ang ugali. Meron ding mabubuti at mapagkumbaba.

Dahil sa kanila natuto akong maging matapang. Natuto akong harapin ang mga akala mo perpektong tao kung makapintas sa kapinsanan ng iba. Nagkaroon ako ng lakas ng loob upang makipagsabayan hindi lang sa pang akademyang apesto pati narin sa mga extra curricular.

Hindi man ako nagkaroon ng medalya pero masasabi kong kahit papaano naging masaya ang high school ko at maraming aral na iniwan.

Ngunit kailangang maghiwa-hiwalay sa pagpasok ng kolehiyo. Kailangang maging mas matibay ang loob ko sa pagharap sa malaking mundo. Kung paano ko ito tatanggapin at sya ako.

…………………

Advertisements

Read Full Post »